Biyernes, Agosto 26, 2011
Buwan ng Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nagsasabi na ang isang bansa ay ganap ng malaya. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo at kung saang bansa tayo nakatira. Kaya ang "Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento